Advertisers
Nadakma ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 0drug dealer saisinagawang buy-bust operation sa Buluan, Maguindanao, nitong Biyernes ng hapon.
Kinilala ni PDEA Regional Director Juvenal Azurin ang suspek na si Jaher Guiapal, 40, residente ng naturang lugar.
Sa ulat, 4:00 ng hapon nang maaresto ang suspek sa Brgy. Poblacion, Buluan.
Makuha sa suspek ang may 20 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang may street value na P136,000.
Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Ernie Dela Cruz)