Advertisers

Advertisers

Menor de edad, pila-balde sa 6 sa loob ng 2 gabi

0 384

Advertisers

Nagpasaklolo ang pamilya ng grade 10 student nang gahasain ng anim na kalalakihan sa Brgy. San Antonio, Jasaan, Misamis Oriental.
Ayon kay alyas Liza, 16, na noong Setyembre 5 nitong taon, dinala siya ng kanyang kaibigan sa bahay ng 40-anyos na suspek at nang malasing dito na isinagawa ang krimen.
Natakot umanong umuwi ang biktima sa kanilang bahay na baka mapagalitan ng kanyang ina kaya’t kinabukasan, Setyembre 6, alas-8:00 ng gabi nagkayayaan sila ng kanyang mga barkada ng magpunta sa dagat ngunit sa kasamaang palad muli na naman umano siyang ginahasa ng panibagong limang mga lalaki.
Sinubukan pa umanong awatin ng kanyang mga barkada ang kababuyan ng mga suspek ngunit nagtagumpay pa rin ang paghahalay.
Humihingi ng hustiya ang pamilya ng biktima.(PFT team)