Advertisers

Advertisers

Pekeng pera kalat sa Bulacan

0 218

Advertisers

PINAALALAHANAN ang lahat lalo ang mga nagtitinda sa palengke at ibang establisyemento na maging maingat at mapanuri sa perang ibinabayad ng mga namimili bunsod ng pagkalat ng pekeng pera sa Bulacan.
Isa si Baliwag Mayor Ferdie Estrella ang kaagad nag-utos sa mga tauhan ng Baliwag Municipal Police Station (MPS) na imbestigahan at alamin ang mga taong nasa likod nito.
Kaugnay ito sa pagkakasabat ng P7,000 halaga ng pekeng pera sa pamilihang bayan ng Baliwag na nadiskubre sa pakikipagtulungan ng Market Office.
Ayon sa alkalde, dapat mag-ingat ang lahat lalo ngayong papalapit ang kapaskuhan na sinasamantala ng mga taong walang ginawa kundi ang manloko ng kapwa. (James de Jesus)