Advertisers
UMAABOT sa isang kilong pinatuyong dahon ng marijuana ang nasamsam ng pulisya sa dalawang lalaki sa buy-bust operation sa Villa Santol, Barangay Balibago, Angeles City.
Kinilala ang mga nadakip na sina Aries Gebson Lapore, 20, isang high value target ng pulisya; at Rolando Alquiro,19, kapwa residente sa naturang lugar.
Nakatakas naman ang dalawang kasama ng mga ito na sina Angelo Agullon at alias “Vlademir”.
Nakuha kina Lapore at Alquiro ang apat na bloke ng pinatuyong dahon ng marijuana na nakalagay sa selyadong plastic na aabot sa halagang P120,000 at ginamit na marked money sa buy-bust operation. (Rey Velasco)