Advertisers

Advertisers

Mga sundalo galing outreach program inambus: 1 patay, 5 sugatan

0 329

Advertisers

PATAY ang isang sundalo habang lima ang sugatan nang tambangan ng mga hinihinalang miyembro ng New Peoples Army ang sinasakyan nilang military truck ng Philippine Army Civil Military Operation Battalion sa Bicol.
Kinilala ang nasawi na si Sergeant Ignacio Refuerzo, sugatan naman ang mga kasamahan nitong sina Sergeant Edgar Sarahan, PFC Alsaddam L. Adulahid, PFC Alvin C. Esteria, Private John Mark P. Verdilflor, at Private Teodoro B. Cardano, Jr.
Sa ulat, nangyari ang insidente Sabado ng hapon, sa Brgy. Del Rosario, Oas ,Albay.
Ayon sa ulat, galing sa Brgy. Mayag ang grupo ng militar mula sa isang outreach program nang bigla silang paulanan ng bala pagsapit sa naturang lugar.
Nagsasagawa na ng hot pursuit operation at checkpoint ang mga militar at pulisya sa naturang lugar.(PFT team)