Advertisers
TIMBOG ang 2 drug pushers nang makuhanan ng P600,000 halaga ng shabu sa buy bust operation sa IloIlo City
Kinilala ang mga nadakip na sina Eliza May Malfarta, 25, ng Barangay San Juan, Molo, Iloilo City; at Distin Jay Garvilles, 36, ng Summerview Subdivision, Mandurriao, Iloilo City
Sa report, 7:05 ng gabi nang magsagawa ng buy bust operation ang mga elemento ng Police Regional Office 6, Regional Police Drug Enforcerment Unit 3 at IloIlo City Police Station 4 sa Brgy. Boulevard sa Molo.
Nasamsam sa dalawa ang 2 heat sealed transparent plastic sachet ng shabu may timbang na 60 grams na nagkakahalaga ng P 600,000.00.
Sa ulat, dating live-in partner si Marfata ng isang drug personality na nakakulong sa New Bilibid Prison. Pinadadala ang mga iligal na droga sa IloIlo City sa pamamagitan ng “roll on roll off cargoes” at ibinababa sa Mohon Transport Terminal sa Arevalo, IloIlo City.(Mark Obleada)