Advertisers
PLANO ng Philippine Coast Guard (PCG) na madagdagan pa ang kanilang Arbus helicopter na magagamit sa pagpapaigting sa search and rescue (SAR) operations lalo na kapag masama ang panahon at sa mga distress na barko.
Ayon sa PCG,malaki ang maitutulong ng airbus assets kaya nais pa nila itong bumili na karagdagan.
Una nang ipinasilip ng PCG ang dalawang bagong multi purpose airbus H145 light twin-engine helicopter na minamandohan ng Coast Guard Aviation Force.
Mayroong tail numbers CGH-1451 at CGH-1452 ang dalawang bagong aerial assets at mayroong high frequency radios, emergency flotation gears, fast-roping, cargo sling, search light, at electro-optical systems.
Napatunayan na rin ang kakayahan ng CGH-1452 sa isinagawang humanitarian missions bilang suporta sa pamahalaan sa paglaban sa COVID-19.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)