Advertisers
SUGATAN ang isang hukom at aide nito nang pagbabarilin sa Libmanan, Camarines Sur nitong Martes.
Kinilala ang mga biktima na sina Jeaneth Gaminde San Joaquin, 56, residente ng Brgy. Tinago, Naga City at kasalukuyang Judge ng Libmanan Regional Trial Court Branch 56; at kanyang aide na si Rocelle Martinez, 34, residente ng Buhi, Camarines Sur.
Sa ulat, 3:59 ng hapon nang pagbabarilin ng riding-in-tandem ang dalawa habang sakay ng kanilang service vehicle sa bahagi ng Brgy. Puro Natiam, Libmanan patungong Naga City galing sa kanilang opisina.
Dinala ang mga biktima sa Libmanan District Hospital upang malapatan ng lunas sa tinamong mga sugat.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad insidente.(Mark Obleada)