Advertisers

Advertisers

‘Baklang’ super libog… Super Tekla inireklamo ng kababoyan at rape ng ka-live in!

0 273

Advertisers

INIREKLAMO ng ‘rape’ ang isang comedian/TV host ng kanyang ka-live in nang puwersahin siyang makipagtalik rito at hindi pagbigay ng sustento sa kanya at sa kanilang anak.
Ang inireklamo ay si Romeo Librada alyas “Super Tekla”, comedian/TV host; at ang nagreklamo ay ang ka-live in nitong si Michelle Lhor Bana-ag.
Ayon sa ulat, nireklamo ni Michelle si Tekla dahil sa diumano’y pamimilit nito sa pakikipagtalik at sa hindi pagbigay ng sustento sa kanya at sa kanilang anak.
Sa report, ang pagiging beki ni Super Tekla ay character lang niya sa showbiz nguni’t sa totoo ay isa itong barako.
Ayon kay Michelle, nang tinanggihan niya ang kagustuhan ni Super Tekla na makipagtalik dahil masama ang kanyang pakiramdam, pinaulanan siya ng mura at hindi binigyan ng pambili ng pagkain, idinamay pa ang mga batang nasa poder nila.
Napag-alaman na may dalawang anak si Tekla sa magkaibang babae at may kasama rin silang tatlong pamangkin.
Sinasabi pa na kapag gusto ni Tekla na mag-sex sila ni Michelle, kahit nasa tabi ang pamangkin tinatakpan ng kumot ang mga bata para makaraos ang komedyante.
Inamin ng ka-live in ni Tekla na may bisyo noon ang komedyante, nagte-take daw ito ng illegal drugs ngunit huminto na last year.
Dagdag pa ni Michelle, may pagkakataon pa na gumagawa ng kababoyan si Tekla, nagma-masturbate sa kanyang tabi, hinawakan ang maselang parte ng kanyang katawan at nang nakarating sa sukdulan ay tinalsikan ng likido nito ang girfriend at ang kanilang anak.
Bukod dito, diumano’y sinilip pa ni Tekla ang private part ng kanyang pamangking babae at pinagsabihang kukurutin ito.
Sinabi ni Michelle na tatlong beses siyang pinilit makipagtalik ni Tekla nang labag sa kanyang kagustuhan at limang beses itong mag-masturbate sa kanyang harapan.
Mahaharap sa kasong ‘marital rape’ at ‘child abuse’ si Super Tekla.
Sa ngayon wala pang pahayag si Super Tekla sa naglalabasang akusasyon laban sa kanya.