Advertisers
Pinayagan na ngayong araw ng Miyerkules ng Department of Tourism (DOT) ang 100% full operational capacity ng mga hotels na nasa general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine areas (MGCQ).
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette-Romulo Puyat, nakatakdang maglabas ang ahensya ng guidelines para sa expanded operational capacity ng mga hotels.
Nauna rito ay binigyan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang DOT ng kapangyarihan na i-calibrate ang operasyon ng accomodations sa bawat establishments.
Naaprubahan din sa naturang resolution ang pagluluwag ng interzonal at intrazonal movement, bilang tulong sa unti-unting pagbangon ng tourism sector.
Saad pa ni Puyat na kailangan maging handa ang kabuuan ng turismo sa bansa. Kabilang na rito ang accomodation, transportation, at tour operation sectors. (Josephine Patricio)