Advertisers
PALALAWIGIN ng Land Transportation Office hanggang Disyembre 31 ang validity ng mga expired driver’s license na naabutan ng lockdown.
Ang desisyong ito ng ahensya ay kasunod na rin nang pagluluwag ng gobyerno sa mga edad na papayagang lumabas ng kanilang mga tahanan.
Ayon kay LTO Chief Edgar Galvante, ang sinomang qualified mag-apply ng lisensya ay maaari na ring magtungo sa kanilang ahensya.
Mananatili namang prayoridad ang mga senior citizens na pinayagan na ring lumabas ng kanilang mga bahay.
Para sa mga drivers na nag-expire na ang mga lisensya sa panahon na naka-lockdown ang karamihan ng mga lugar sa bansa, hindi raw dapat mag-alala ang mga ito dahil wala silang babayaran na multa.
Bawat tanggapan ng LTO ay sisiguraduhin na mahigpit na ipatutupad ang mga health protocols upang iwasan ang lalo pang pagkalat ng deadly virus.