Advertisers

Advertisers

Modules ng estudyante muntik malubog… 7 barangays, 1 iskul lubog sa baha sa Bulacan

0 201

Advertisers

Bulacan – Bagama’t walang inilikas na mga residente sa Barangay Tikbalas, Poblacion, Bagong Silang, Mandile, Salacot, Baritan, Sitio Tabing ilog ng Brgy. Sta Lucia, nanatiling lubog sa lampas tuhod na tubig baha sanhi ng bagyong Pepito ang mga nabanggit na lugar.
Lumubog rin ang Salacot Elementary School sa bayan ng San Miguel, kungsaan muntik nang malunod ang modules ng mga estudyante.
Ayon kay Luz Mungcal ng PDRRMO, mistulang dagat ang malawak na lugar na may mga bagong tanim na palay sa barangay Baritan.
Samantala, maari nang makadaan sa kahabaan ng Maharlika highway ang maliliit na uri ng sasakyan sa bahagi ng Brgy. Salacot
Nabatid na naipong tubig mula sa nawasak na Bulo Dam ang sanhi ng pagtaas ng tubig sa pitong barangays.
Kasabay nito nananatiling nagbubuga ng 100cms/na tubig baha ang 2 radial Gate Bustos Dam. (Thony D. Arcenal)