Advertisers

Advertisers

PNP chief ipinagbawal na rin ang Christmas party pero police personnel may cash gifts

0 463

Advertisers

HINIHILING ni PNP chief Camilo Pancratius Cascolan sa kanyang mga tauhan ang kanilang pang-unawa sa pagbabawal nito sa pagdaos ng Christmas Party sa Philippine National Police (PNP).
Tiniyak naman ni Cascolan na makakatanggap pa rin ang mga PNP personnel lalo na ang mga frontliner ng cash gift o tamang insentibo na naging tradisyon sa Pasko.
Ang mandatong ito ni PNP chief Cascolan ay alinsunod sa hiling ng Metro Manila Council sa iba’t ibang pribadong kompaniya na wala munang Christmas party upang makaiwas sa COVID-19.
Ayon pa kay Cascolan nagdesisyon kasi sila na gamitin ang perang gagastusin sa party para labanan ang pandemya dahil mayroon din silang mga tauhan na apektado ng COVID-19 virus.
Ang hindi pagkakaroon ng party ay paraan din nila para maiwasan ang transmission ng sakit.
Ayon pa kay Cascolan ang pagbibigay ng cash incentives ay bahagi ng pagtaas sa morale ng mga police.
Una nang sinabi ni Cascolan na kanilang pag-aaralan ang pagpapaliban sa Christmas party at sa halip ay austerity measure ang kanilang gagawin. (Josephine Patricio)