Advertisers

Advertisers

Vice Mayor na lider ng ‘notorious gang’ sa Cavite timbog

Politikong ganster?

0 237

Advertisers

ARESTADO ang bise alkalde ng Amadeo, Cavite nang madiskubreng may mga baril siya na walang kaukulang dokumento.
Kinilala ang inaresto na si Conrado Viado, bise alkalde ng bayan ng Amadeo.
Sa ulat, pinangunahan ng Cavite Police Provincial Office Intelligence Unit ang operasyon sa bahay ni Vice Mayor Viado sa Barangay Maymangga sa bisa ng 15 search warrants laban sa opisyal.
Nasamsam sa bahay ng bise alkalde ang 21 baril at samu’t saring mga bala na walang mga dokumento.
Kabilang sa mga nakuha kay Viado ang ilang M-14 rifle, M-16 rifle, shotgun, calibre 30 Carbine, caliber .45, caliber 22 pistol at rifle, caliber 380 pistol at caliber 38 revolver.
Sa report, isang ‘high-value target’ si Viado na itinuturong lider ng notoryus na ‘Asiong Group’.
Ayon sa Cavite PPO, isang local criminal group ito na iniuugnay sa gun-for-hire, land grabbing, extortion, gun running at ilang insidente ng pamamaril sa Amadeo at mga karatig-lugar sa Cavite.
Bukod kay Viado, arestado ang 8 pang kasamahan niya na itinuturo namang miyembro ng Asiong Group.
Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang mga inaresto.
Kakasuhan ng illegal possession of firearms and ammunition ang mga dinakip.