Advertisers
GINAGAHASA ng isang ama ang sarili nitong anak sa Barangay Bacsayan, San Juan, La Union.
Kinilala ang suspek na si Eduardo Torda, 39, residente ng Barangay Labting, San Juan.
Naaresto si Torda sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Jugde Reah Gallo ng Regional Trial Court Branch 10 ng San Fernando City, La Union.
Ayon kay Police Capt. Gerardo Macaraeg, hepe ng San Juan Police, inaresto nila ang suspek nang magsumbong ang biktima sa ginawang panghahalay ng ama.
Napag-alaman na noon pang buwan ng Abril ginagawa ng ama ang kahalayan sa sarili nitong anak. Nasa abroad ang ina ng dalagita.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek. Walang piyansa ang isinampang kasong ‘qualified rape’ o RA 266 laban dito.(PFT team)