Advertisers
Ni DANNY SIMON
SISIPA nang muli sa aksiyon ang larangan ng football sa pag-arangkada ng Philippine Football League (PFL) sa isasagawang ‘bubble’ competition simula sa Linggo sa Philippine Football Federationn (PFF) facility na nasa Carmona, Cavite.
Bilang pagtalima sa kautusan ng Inter-Agency Task Force (IATF) hingil sa ‘safety and health’ protocol, walang live audience at tanging ang mga may direktang kinalaman sa liga lamang ang nasa kaganapan sa pakikipagtulungan ng Qatar Airways, ang sasalang sa football field.
Wala namang dapat ipag-alala, mapapanood ang mga laro ng live sa online platform ng PFL, sa pakikipagtulungan ng EXPTV Cable Channel na magpapalabas din ng game reply sa Eagle Vision CATV Network Channel 80.
“The PFL leadership wants flexibility with regards on TV coverage. Kaya walang exclusivity. But to reach out viewers on a national scoop, we’re already discussing terms with Cignal, hopefully maisara yung deal before the league opening on Sunday,” pahayag ni Yanno Ibarreta, Program Head at EXPTV Research and Marketing Strategist sa kanyang pagbisita sa ‘Usapang Sports’ on Air ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) via Zoom ng Sports On Air.
“Right, now it’s all system go for the league’s opening. All participating teams have already check-in in hotel closed to the facility. Fans can watch the game in PFL facebook and EXPTV online platform,” sambit ni Ibarreta sa program na itinataguyod ng Phiippine Sports Commission (PSC), PAGCOR at Games and Amusements Board (GAB).
Anim na koponan ang sasabak ngayong season — Azkals Development Team and clubs United City, Maharlika, Stallion-Laguna, Kaya-Iloilo at Mendiola.
Sumailalim sa COVID-19 testing ang lahat ng mga players, opisyal at personnel batay na rin sa resolusyon ng IATF mula sa rekomendasyon ng Joint Administratibe Order (JAO) na binuo ng GAB, PSC at Department of Health.
“All the members of the teams as well as PFL personnel in the bubble will undergo mandatory swab tests, and hopefully, none of them will test positive as practice begins on Friday and Saturday,” pahayag ni PFL commissioner Coco Torre.
Ayon kay Ibarreta, sa kabila ng kawalan ng live audience, sisiguraduhin ng EXPTV na maipapalabas ang maaksiyong tagpo sa bawat laro gamit ang mga makabago at ultra-modern na kagamitan, gayundin ang live broadcast coverage ng ilang batikang football analysts at commentator.