Advertisers
Advertisers
Advertisers
NANINDIGAN ang Policy Think Tank Infrawatch Philippines na mas mabuti na magkaroon ng independent task force na sisilip sa sinasabing korapsyon sa loob ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Mas mainam aniya ito kaysa binuong in-agency task force ni Public Works Sec. Mark Villar matapos na ungkatin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang issue ng korapsyon sa kagawaran kamakailan.
Ayon kay Infrawatch Ph convenor Terry Ridon, mahirap para sa in-agency task force na maisagawa ng maayos ang kanilang imbestigasyon dahil na rin sa kultura ng mga Pilipino na “pakikisama” sa mga kasamahan.
Kaya mas mainam aniya na katulad ng nangyari sa issue ng korapsyon sa PhilHealth ay bumuo rin ng isang independent task force para sumilip sa kalakaran sa DPWH.
Mahalaga aniya na magkaroon ng transparency sa issue na ito.
Gayunman, sinabi ni Ridon na maari namang ipagpatuloy pa rin ng task force na binuo ni Villar ang kanilang nasimulan.
Ayon kay Ridon, mayroong iba’t ibang levels ng korapsyon na nangyayari sa public bidding ng mga ahensya at kagawaran ng pamahalaan.
Sa umiiral na batas, sinabi nito na lumalabas na walang choice ang pamahalaan kundi ibigay ang kontrata sa sole bidder sa mga proyekto lalo pa kung technically at financially qualified naman ito.
Mahirap aniya ang sistemang ito gayong hindi competitive ang mga bidding na ito. (Josephine Patricio)
Prev Post