Advertisers
NAUWI sa malagim na krimen ang pagiging magkaibigan ng dalawang lalaki dahil sa maingay na tugtog ng radyo, napatay ang biktima sa mga palo ng walis tingting sa Pangasinan.
Kinilala ang nasawi na si Rolly Arozza, 25-anyos, ng Barangay Ligue, Bayambang, Pangasinan.
Kinilala ang nahuling salarin na si Orland Aranio.
Sa ulat, nagalit ang biktima nang magising ito dahil sa malakas na tugtog ng radyo ni Aranio.
Kinumpronta umano ni Arozza si Aranio hanggang sa magtalo ang dalawa at pinagpapalo ng salarin ng walis tingting sa ulo at leeg ng kaibigan.
Dahil sa mga pinsalang tinamo sa ulo, hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktima.(James de Jesus)