Advertisers

Advertisers

2 Bangkay ibinasura sa Cotabato

0 211

Advertisers

Natagpuan ang dalawang bangkay sa Purok 1, Nueva Vida, Mlang, Cotabato nitong Miyerkukes ng umaga.
Kinilala ang mga nasawi na sina Mactar Esma Maulana, 25, may-asawa; at William Lamping Singgon, binata, at kapwa residente ng Barangay Kilagasan, Kabacan, Cotabato.
Sa ulat, nagtamo ng maraming saksak sa katawan ang mga biktima at nakabalot sa packaging tape ang mukha ng mga ito.
Natagpuan ang bangkay na katawan ng mga ito ng mga residente na malapit sa lugar na pinaniniwalaang itinapon lamang at biktima ng summary execution.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng himpilan ng pulisya kaugnay sa naturang pangyayari.(PFT team)