Advertisers
NAGSASAGAWA ng manhaunt operation ang Cavite police sa suspek na pumatay sa 19-anyos na lalaki at pagkakasugat ng kasama nito nang nagalit matapos na ungusan ang minamaneno nitong kotse ng motorsiklo ng dalawa sa Rosario, Cavite.
Ayon kay PSMSgt Gemma Oliveros, Hepe ng Invesigation Division ng Rosario Municpal Police Station, hindi na umuwi pa sa kanilang bahay sa Brgy. San Sebastian, Kawit, Cavite ang salarin na si Edwin Lontok, 42, matapos ang ginawang pamamaril at pagkamatay ng biktimang si Gregorio Buno, isang Operator sa EPZA Processing Zone at pagkakasugat ng kasamahan nito na si Junnie Catapang, 22, na tinamaan sa hita.
Sa report, matapos ang insidente, sinundo pa umano ng salarin ang kanyang asawa at inihatid ito sa kanilang bahay saka muling umalis ng walang paalam at hindi na ito nagpakita pa simula noon.
Matatandaan na 7:10 Martes ng gabi nang naganap ang pamamaril sa Gen Trias Drive, Brgy Tejeros, Rosario, Cavite kung saan galing sa trabaho ang mga biktima at magkaangkas sa isang motorsiklo na minamanheo ni Catapang habang ang salarin minamaneho ang kanyang kulay pulang Honda Jazz na may plate number na DBZ 3940 at kapwa binabagtas ang parehas na direksiyon.
Naungusan umano ng motorsiklo ang kotse ng salarin na pinainiwalang ikinagalit nito kaya sinundan nito kung saan patungo ang mga biktima.
Ipinarada ng salarin ang kayang kotse, bumaba at sinundan ang mga biktima na lumiko patungo sa isang tindahan ng tinapay kung saan nagkaroon pa umano ng mainitang pagtatalo hanggang sa binaril ang mga biktima.
Nabatid na bagong promote umano ang biktima sa kanyang trabaho bilang Operator sa isang kumpanya
Nakilala naman ang salarin ng mga by-stander sa lugar kaya natunton ng pulisya ang bahay nito sa Kawit. (Irine Gascon)