Advertisers

Advertisers

Pulis magsisilbi ng warrant of arrest, patay sa sundalo

0 240

Advertisers

Patay ang isang pulis na magsisilbi ng warrant of arrest nang makipagbarilan ang sundalong aarestuhin na napatay rin sa Cotabato City.
Kinilala ang biktima na si P/Senior Master Sergeant (SMS) Rofel Manuel na nakatalaga sa Arakan Municipal Police Station sa North Cotabato.
Napatay rin ang salarin na kinilalang si ex-Sergeant Arnold Maligatong ng Philippine Army, nakatira sa Sitio Pine Tree, Brgy. Libertad, Arakan, North Cotabato.
Ayon kay Cotabato Police Provincial director Col. Henry Villar, kasama si Manuel sa operasyon at magsisilbi sana ng warrant of arrest laban kay Maligatong na nahaharap sa kasong pagpatay sa Barangay Poblacion ng naturang bayan.
Pagdating sa lugar, sinalubong ng mga putok ng baril ang grupo ni Manuel na nauwi sa barilan.
Parehong tinamaan ng mga bala ng baril sina Manuel at Maligatong na agad dinala sa ospital pero sa daan pa lamang nalagutan na ng hininga.(PFT team)