Advertisers

Advertisers

4 sugatan sa ‘road bombing’ sa Maguindanao

0 206

Advertisers

SUGATAN ang dalawang sundalo at dalawang militia member sa pagsabog ng improvised explosive device (IED) sa bayan ng Ampatuan sa Maguindanao nitong Biyernes.
Sa report, pangatlo na ang insidente simula noong nakaraang buwan sa nasabi din lugar at 11 sundalo na ang nasugatan sa mga naunang pagsabog.
Pinaniniwalaan na kagagawan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at Dawah Islamiyah, na paksyon ng Islamic State ang panibagong road bombing.
Sinabi ni Western Mindanao Command (Wesmincom) commander, Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr., nagsasagawa ang security at road-mine clearing operations ang mga tauhan ng Joint Task Force Central sa Barangay Salman nang maganap ang panibagong insidente.
Ayon pa kay Vinluan, na ginamit bilang anti-personnel mine ang IED.(PFT team)