Advertisers
Natikman ng Magnolia Hotshots ang tatlong sunod na pagkatalo sa kamay ng Phoenix Super LPG 91-84 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup na ginanap Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center.
Hindi inalintana ng Phoenix ang 17 points ng kalamangan pa ng Magnolia sa last quarter at kanila itong nahabol.
Bumida sa panalo ng Phoenix si Matthew Wright na nagtala ng 23 points habang mayroong 20 points at 12 rebounds na nagawa si Jason Perkins.
Nag-ambag naman ng 14 points, eight rebounds si Justin Chua at 12 points naman si RR Garcia.
Napaluha naman si Phoenix coach Topex Robinson na sinabing hindi sila basta bumigay at inialay nila ang panalo sa suspendidong si Calvin Abueva.