Advertisers

Advertisers

Promodizer niratrat-patay sa Cotabato

0 295

Advertisers

Binawian ng buhay ang isang babae sa pamamaril sa lungsod ng Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Rona Jane Solar Solaiman, 26-anyos, may asawa, promodizer ng mall of Al-Nor, at residente ng Block 2 Notre Dame Village Barangay Rosary Heights 8 Cotabato City.
Ayon sa ulat, habang naglalakad ang biktima sa Purok 2 San Vicente Street Barangay Rosary Heights 9 papauwi na ng kanyang tahanan ng bigla itong pagbabarilin ng riding in tandem.
Mabilis namang tumakas ang mga salarin patungo sa liblib na lugar sa siyudad ng Cotabato.
Sa ngayon, blangko pa ang Cotabato City PNP sa motibo pagpatay sa biktima at patuloy ang isinasagawang imbestigasyon.(PFT team)