Advertisers

Advertisers

4 drug personalities timbog sa P.2m shabu

0 269

Advertisers

SWAK sa kulungan ang apat na sangkot sa iligal na droga nang mahulihan ang mga ito ng halos P.2 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operations sa Navotas City.
Ayon sa Navotas Police chief, Col. Rolando Balasabas, nagsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcemen Unit (SDEU) sa pangunguna ni LtT Genere Sanchez ng buy-bust operation 1:45 ng madaling araw sa Pantalan 1, Pantay-Pantay St., Brgy. Tangos kontra kay Generoso Dela Cruz Jr., 45; at Alfonso Arag Sr., 50.
Narekober sa dalawa ang nasa 21 gramo ng shabu na tinatayang nasa P142,800 ang halaga, buy-bust money at P500 bill.
Nauna rito, 7:30 ng gabi nang matimbog naman ng mga operatiba ng SDEU sina Marcelino Morillo, 45, welder; at Michael Alcordo, 38, mekaniko, nang bentahan ng P300 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa buy-bust operation sa Gulayan St., Brgy. San Jose.
Nakumpiska naman sa dalawaang aabot sa 5.9 gramo ng shabu na nasa P40,120 ang halaga, P300 buy-bust money at P300 bill.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Beth Samson)