Advertisers
NASAWI ang dalawang babae at isang lalaki habang isa pa ang nasa kritikal na kalagayan nang pagbabarilin habang naglalakad sa eskinita sa kanilang lugar Sabado ng gabi sa Quezon City.
Kinilala ang mga namatay na sina Marites Betito, 47, kasambahay; Raquel Madunaga, 39; at Jimel Donaire, 23, binata, telecom rigger, pawang residente sa Livelihood St., Talanay Area C, Barangay Batasan Hills, Quezon City.
Ang salarin na hindi nakilala ay kaagad tumakas.
Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), 9:14 ng gabi nang maganap ang pamamaril.
Inoobserbahan naman sa Maclang Hospital ang isa pang biktima na si Arvin Viola, 22, binata, telecom rigger, residente rin sa Livelihood Area C, Brgy. Batasan Hills makaraang tamaan ng stray bullets.
Masusi pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad hinggil sa motibo ng pamamaslang at matukoy ang salarin. (Boy Celario)