Advertisers
BUMABA pa ang aktibong kaso ng Covid-19 sa bansa na umabot na lamang sa 35,015 dahil sa Oplan Recovery ng Department of Health (DOH).
Inanunsyo ng DOH na ang pagbaba ng aktibong kaso ay makaraang malaman na nakarekober na sa sakit ang mga pasyente na tinamaan ng virus na nasa 14,944 dahilan para pumalo na sa 328,036 ang recoveries nitong Linggo, Oktubre 25.
Umabot naman na sa 370,028 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid-19 sa bansa matapos makapagtala ang DOH ng bagong 2,223 infection base sa pinakahuling ulat ganap na alas-4 ng hapon nitong Linggo.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa NCR na umabot sa 537 Region 4A na may 397, Region 3 na may 165.
Nakapagtala rin ang DOH ng 43 na bagong nasawi dahil sa virus na ngayon ay nasa 6,977 na ang kabuuan.
May 14 duplicates naman na tinanggal sa total case count. Siyam dito ay recovered cases.
Mayroon naman 11 kaso na unang inulat na gumaling pero ito ay reclassified na namatay. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)