Advertisers
PINANAWAGAN ng pamunuan ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa pamunuan ng Facebook na magtalaga ito ng Independent Checker.
Gayunman iginiit ni DILG Se. Eduardo Año na para walang bias ay kailangang hindi magmula sa gobyerno ang magsisilbing Independent Checker ng naturang Giant Social Media Network.
Binigyan diin ni Año na malaking tulong ang social media giant na Facebook sa pagpapakalat ng totoo at tamang impormasyon.
Kasunod ito ng pagtanggal ng facebook sa ilang accounts na may kaugnayan sa ilang accounts na may kaugnayan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).
Sa ngayon nakikipag-ugnayan na ang DICT sa Facebook para magkaroon ng dayalogo nang sa gayon mabigyan din ng pagkakataon ang PNP at AFP na ipaliwanag ang kanilang panig lalo na sa kanilang kampanya laban sa insurgency. (Josephine Patricio)