Advertisers

Advertisers

Kawatan, ‘di nakalabas ng buhay sa bahay na pinagnakawan

0 243

Advertisers

PATAY ang isang kawatan nang makipagbarilan sa pulis sa loob ng bahay sa Quezon City.
Ang napatay na kawatan ay nasa edad 35-40-anyos, katamtaman ang pangangatawan, naka-itim na t-shirt, brown short pants at may tattoo ng “Sputnik, Cross at Jeffrey Dy” sa kanang paa.
Sa ulat, pinasok ng dalawang ‘Akyat Bahay’ ang Sta. Mina-Ocampo Dental Clinic sa 168 General Luis, Barangay Nagkaisang Nayon sa Quezon City 2:50 ng madaling araw nitong Sabado.
Sa report, nasa loob ng nirerentahang kuwarto si Neil Parilla nang timbrihan ng kasama na may kumakaluskos sa katabing Sta. Mina-Ocampo Dental Clinic. Agad nagpasaklolo si Parilla sa pulis na nagrerenta rin doon.
Mabilis na rumesponde si PMSgt Michael Payumo. Pinutukan agad siya ng mga kawatan pero masuwerteng nakaalerto ang pulis. Gumanti ng mga putok ang pulis at nasapul ang isang kawatan habang nakatakas ang kasabwat nito.(Boy Celario)