Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 1,607 karagdagang kaso ng Covid-19 habang 245 ang gumaling at 62 ang binawian ng buhay dahil sa sakit nitong Lunes, Oktubre 26.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 9.8% (36,333) ang aktibong kaso, 88.3% (328,258) naman ang gumaling, at 1.89% (7,039) ang namatay.
Ang kabuuan ngayon ng mga kumpirmadong kaso sa bansa ay umabot na sa 371,630.
Sa datos ng DOH ngayong Oktubre 26, (9.5%) o 1,490 ang bilang ng nagpositibo mula sa 15,710 na nagpa-test laban sa Covid-19.
Halos 93.6% naman ang mild at asymptomatic na kaso.
Ang mga probinsya at siyudad na may mataas na naitalang kaso ngayong araw ay ang Davao City na may 90, Cavite – 88, Rizal – 74, Negros Occidental – 68 at Quezon – 68.
Samantala, 5 duplicates naman ang tinanggal sa total case counts kung saan 4 ang recovered cases.
Mayroon ding 19 kaso na nai-tag na recovered case na na-reclassified bilang deaths.
Una nang sinabi ng DOH na simula ngayong araw, October 26 ay babaguhin na ang klasipikasyon ng data reporting upang mas maunawaan at maintindihan ng publiko. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)