Advertisers

Advertisers

Lider ng NPA patay sa engkuentro

0 302

Advertisers

PATAY ang isang lider ng New Peoples Army (NPA) sa engkwentro ng militar sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang nasawi na si Zaldy Gulmatico Pulido alyas Kumander Cobra, secretary ng NPA Guerilla Front 53 ng Southern Mindanao Regional Committee (SMRC).
Ayon sa 602nd Brigade Commander, Brigadier General Roberto Capulong, nakatanggap sila ng impormasyon sa presensya ng mga NPA sa Sitio Rudson, Barangay Arakan, Matalam, North Cotabato.
Agad nagsagawa ng law enforcement operation ang tropa ng 90th Infantry (Bigkis-Lahi) Battalion Philippine Army at 62nd Division Reconnaissance Company. Papasok pa lamang ang mga sundalo sa kuta ng mga rebelde ay agad na silang pinaputukan ng mga kalaban ng pamahalaan.
Tinutugis pa ng militar ang mga kasamahan ni Pulido na tumakas patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Matalam.(PFT team)