Advertisers

Advertisers

Nurmagomedov wagi vs Gaethje sa UFC 254

0 251

Advertisers

DINISPATSA ni reigning UFC lightweight world champion Khabib Nurmagomedov si Justin Gaethje matapos na itumba sa loob ng ikalawang round sa UFC 254.
Sa simula pa lamang ng unang round ay pinaulanan na ni Nurmagomedov ng mga suntok at sipa si Gaethje sa kanilang laban na ginanap sa Yas Island, Abu Dhabi.
Nakabawi pa si Gaethje sa ikalawang round kung saan dumapo ang kaniyang sipa subalit hindi ito nagtagumpay at napatumba siya ni Nurmagomedov sa 1:34 ng ikalawang round.
Dahil dito ay mayroong 29-0 record ang Russian fighter habang mayroong 22 panalo at tatlong talo si Gaethje.