Advertisers

Advertisers

140 BAYAN, LUNGSOD NAKARANAS NG BETTER CONNECTIVITY SA 4G LTE UPGRADES NG GLOBE

0 301

Advertisers

MAY 140 bayan at lungsod ang nabiyayaan ng network upgrades ng Globe kamakailan.

Ang site upgradres ng kompanya sa 25 barangays mula sa 2G/3G sa 4G LTE ay nagpahusay sa call, text at data services nito para sa mga customer sa Lucban, Quezon; Lobo, Batangas; Jolo, Sulu; Guinobatan, Albay; Limay, Bataan; Antipolo at Cainta sa Rizal; Lapu-Lapu, Cebu; Legazpi City, Albay; Angeles City, Pampanga; Malolos City, Bulacan; Pontevedra,
Capiz, Sta. Rosa City, Laguna; Quezon City, Valenzuela City, Paranaque City, Las Pinas City, at Manila sa Metro Manila; Ormoc City, Leyte; at San Francisco, AgusanDel Sur.

Ang mga Globe customer sa naturang mga lugar ay nagsisimula nang makaramdam ng improved experience, lalo na para sa data services na ginagamit sa distance learning, pag-download ng mga pelikula, gaming at work from home requirements.



“Our LTE expansion has primarily upgraded our capacity and technology in areas where the signal is slow or non-existent. These efforts have now gained traction based on the improved mobile experience of our customers. Aside from wider coverage, they will also see a significant increase in the speed when they use their data services,” said Joel Agustin, Globe Senior Vice President for Program Delivery, Network Technical Group.

Ang site upgrades ay ipinatupad din sa iba pang lugar tulad ng El Nido sa Palawan; Botolan sa Zambales; Bantay,
Ilocos Sur; Buguey, Cagayan; Cadiz City, Negros Occidental; Cabucgayan, Biliran; Isabel, Leyte; Isulan City, Sultan Kudarat; Pandan, Antique; San Felipe, Zambales; Orion, Bataan; atbMaddela, Quirino.

Sa site upgrades, ang mga customer sa nasabing mga lugar ay maaari na ngayong magsagawa ng web browsing, improved voice calls, video/call conferencing, gaming, audio at video streaming, at paglilipat ng files para sa pag-aaral o trabaho.

Sa kabila ng mga paghihigpit sa health at quarantine protocols, aktibong isinusulong ng Globe ang three-pronged strategy nito upang lalo pang mapaghusay ang serbisyo nito sa mga customer sa pamamagitan ng agresibong pagtatayo ng cell sites, pag-upgrade sa lahat ng sites nito upang magkaroon ng 4G LTE gamit ang iba’t ibang frequencies; at pagpapabilis sa fiberization ng tahanan ng mga Filipino sa buong bansa para sa better connectivity at data experience.

Bukod dito ay isinusulong din nito ang agenda ng bansa na mag-roll out ng site builds at improvement measures upang matugunan ang pangangailangan ng mga Filipino para sa digital magmula nang magbukas ang klase sa mga panpublikong paaralan.



Sa Malacanang briefing kamakailan, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na, “We will expedite the rollout of the telco towers,” kung saan binanggit din niya ang mga probisyon sa Bayanihan to Recover as One Act na nagpapabilis sa pag-iisyu ng permits para sa pagtatayo ng cell sites.