Advertisers

Advertisers

COVID-safe evacuation centers sa mga biktima ng typhoon Quinta, tiyakin — Bong Go

0 300

Advertisers

Tiniyak ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga naapektuhan ng bagyong “Quinta” na naka-monitor si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanikang kalagayan at ang lahat ng makinarya ng pamahalan ay nakahanda para rumesponde at magbigay sa kanila ng iba’t ibang ayuda.

Sa isang TV interview, sinabi ni Go na ang lahat ng government agencies ay nakahanda para umasiste sa mga apektadong komunidad, kinabibilangan ng search and rescue, agad na pagre-repair sa mga nawasak na imprastratura, pamamahagi ng relief goods at mga gamot, pagsasaayos ng mga nawalang elektrisidad at marami pa.

“Nagkausap po kami kagabi ni Pangulong Duterte at siya po’y naka-monitor sa bagyong Quinta, sa pananalasa ng bagyong Quinta sa iba’t ibang rehiyon sa mga lalawigan sa Luzon at Visayas,” ang paniniyak ni Go sa publiko.



“Sinisigurado ng Pangulo na laging handa ang mga ahensya ng gobyerno na magbigay ng assistance sa mga Pilipinong apektado,” dagdag niya.

Nanawagan din siya sa lahat ng regional offices ng mga kinauukulang ahensiya na maging mabilis sa pagresponde sa pangangailangan ng mga kababayang nasasakupan.

“Ako po’y nananawagan sa lahat ng ahensya ng gobyerno, especially sa mga regional offices, na dapat lagi tayong handa na tumugon agad sa mga pangangailangan ng mga kababayan natin,” giit ni Go.

Hiniling naman niya sa mga naapektuhan ng bagyo na makinig sa mga tamang impormasyon at sumunod sa health protocols na ipinatutupad ng kanilang local officials.

“Sa mga kababayan ko po, lalo na sa Bicol, sa CALABARZON, MIMAROPA at iba pang tinamaan ng bagyong Quinta, patuloy lang tayong makinig sa tamang impormasyon, dapat ay palagi ring handa sa anumang sakuna,” aniya.



Bilang tagapangulo ng Senate committee on health, hiniling ni Sen. Go sa gobyerno at mga kinauukulang ahensiya na tiyakin na ang mga pinagdadalhang evacuation centers sa mga biktima ng bagyo ay ligtas sa COVID-19.

“Siguraduhin nating hindi magkakahawahan po ng COVID-19 sa mga evacuation centers, lalong-lalo na po ‘yung mga bata,” aniya.

“Siguraduhin nating maipatutupad ang minimum health protocols, katulad ng pagsuot ng mask, social distancing, at palaging maghugas ng kamay. Ayaw nating madagdagan pa ang hirap na nararanasan ng ating mag kababayan, lalo na ngayong pandemya. Ang mahalaga ay ang buhay ng bawat isa. Life lost is a life lost forever,” idinagdag ng senador. (PFT Team)