Advertisers
HINIMOK ni Senate Committee on Health Chairman Christopher “Bong” Go ang mga mamamayan ng Davao del Sur na huwag magdalawang-isip na lumapit sa bagong Malasakit Center na binuksan sa Digos city na ika-89.
Sinabi ni Go na sa lahat ng Pilipino ang Malasakit Center kung saan nagsama-sama na sa iisang tanggapan ang mga kinatawan ng mga ahensiyang tumutulong gata ng DSWD, DOH, PhilHealth at PCSO para magbigay ng assistance.
Ayon kay Go, basta mahirap, qualified na na lumapit sa Malasakit Center ang isang pasyente kasabay ng pagtiyak na kung sakaling hindi sila operahan ay siya na ang bahalang magpa-opera sa mga kailangan ng operasyon.
Kinumpirma ni Go na mayroon nang limang Malasakit Center sa Davao region.
Samantala, tiniyak ni Go na patuloy ang pagbubukas ng mas marami pang Malasakit Center lalo pa at mayroon nang batas hinggil dito para maglagay sa 73 na DOH-run hospital habang kailangan sumunod sa criteria na itinatakda ng batas ang mga provincial hospital. (Mylene Alfonso)