Advertisers

Advertisers

Pres. Duterte pinaiimbestigahan na ang ‘malditang’ PH Amba sa Brazil

0 480

Advertisers

NAGBIGAY na ng go-signal si Pangulong Rodrigo Duterte na isulong ang imbestigasyon laban sa ambassador ng Pilipinas sa Brazil na naaktuhan o nahuli sa video na nagmaltrato ng kanyang kasambahay.
Sinabi ni Sen. Bong Go, nakarating na kay Pangulong Duterte ang sumbong at ibinigay na nito ang basbas para ituloy ang imbestigasyon kasunod ng rekomendasyon ni Foreign Affairs Sec. Teddyboy Locsin Jr. at bigat ng alegasyon.
Ayon kay Sen. Go, ang impartial investigation ay isasagawa alinsunod sa mahahalagang probisyon ng batas partikular ng Foreign Service Act of 1991.
Inihayag ni Sen. Go na matatag ang posisyon at paninindigan ni Pangulong Duterte para sa proteksyon at pagtataguyod sa karapatan at kapakanan ng ating mga kababayang overseas Filipinos at ito ay pangunahing responsibilidad ng pamahalaan.
Kaya ang mga ambassador ng bansa umano ay may obligasyong gampanan ang kanilang tungkulin nang walang anumang kwestiyon.
Si Ambassador Marichu Mauro ay agad pinauwi na rito sa bansa matapos kumalat ang ilang video footages na nagpapakita ng kanyang panlalait at pananakit o pagmamaltrato sa isang Pilipinang kasambahay nito sa Brazil. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)