Advertisers
TINULUNGAN ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go ang nasa 150 pasyente na naka-recover mula sa COVID-19 sa Samar.
Tiniyak ni Go na tutulungan niya ang mga naka-recover na pasyente sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan habang nagre-recover mula sa naturang sakit.
Bitbit ng mga staff ni Go ang mga pagkain, food packs, face mask at face shields kung saan isinagawa ang distribution sa Samar National High School sa Catbalogan city Samar.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Go na masaya siya na naka-recover ang mga pasyente sa sakit at batid niyang hindi madali ang pinagdaanan ng mga ito kaya naisip niyang magpadala ng tulong para makasigurong tuloy-tuloy ang pagganda ng kalusugan ng mga ito.
Samantala, maliban sa mga pagkain, ilang benepisaryo din ang nabigyan ng libreng bisekleta na magagamit sa kanilang transportasyon habang ilang magulang na may anak na nag-aaral naman ang nabiyayaan ng tablet para sa kanilang mga anak.
Kasabay ng grupo ni Go ay nagpaabot din ng tulong ang mga kinatawan ng DSWD kung saan namahagi sila ng pagkain at financial aid habang nagbigay ng assessment at nag-validate ng mga posibleng mabigyan ng livelihood package sa ilalim ng Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa program. (Mylene Alfonso)