Advertisers

Advertisers

Hepe ng pulis nang-umbag ng ‘curfew violator’

0 256

Advertisers

Hugas kamay ang hepe ng Bula Police Station sa alegasyon na binugbog ang isang curfew violator na kanilang nahuli sa General Santos city.
Kinilala ang inirereklamo na si Police Capt. Nemesio Calipho, hepe ng Bula Police Station.
At ang biktima kinilalang si Richard Malones, residente ng Bula, General Santos city.
Ayon kay Calipho nakatakbo umano ang tatlong kasama ni Malones na kagagaling sa inuman at nang arestuhin si Malones bigla umano nanuntok kung kaya’t pinosasan nila ito.
Subali’t iba naman ang bersyon ng kapatid ng biktima nang kanyang samahan si Richard papunta sa presinto bigla umanong pinagsusuntok ni Calipho si Richard kahit nakaposas na ito.
Ipinakita din nito ang video habang nagmakaawa na huwag bugbugin ang kapatid.
Nang dumating sa selda sinuntok at tinadyakan pa umano ng opisyal ang biktima.
Una nang sinabi ni City PNP Director Col. Gilbert Tuzon na iniimbestigahan na ang reklamo laban sa nasabing chief of Police.(PFT team)