Advertisers
AABOT sa 19 million hanggang 31 million individuals ang tinatayang maaapektuhan ng hagupit ng Bagyong Rolly sa mga lugar na sa loob ng typhoon track.
Ito ay base sa predictive analytics ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) nitong Linggo ng umaga, November 1, 2020.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, base kasi sa kanilang monitoring at ang lawak ng sakop ng Bagyong Rolly, maraming lugar ang maaapektuhan.
Siniguro naman ni Timbal na sapat ang mga evacuation centers sa mga nasabing lugar kung saan inilikas ang mga apektadong kababayan natin.
Lahat ng mga nakatira sa mga danger zones ay inilikas na sa mas ligtas na lugar dahil ang Bagyong Rolly ay may dalang malakas na hangin at pag-ulan na magdudulot ng malawakang pagbaha, pagguho ng lupa at storm surge.
Pinatitiyak naman ni Jalad sa mga LGUs na nasusunod ang Covid-19 protocols sa mga evacuation centers.
Ongoing na rin ang mga evacuation sa mga lugar sa Calabarzon at maging dito sa Metro Manila lalo na duon sa mga itinuturing na mga vulnerable areas.
Naka-standby na rin ang mga unifomed personnel mula sa AFP, PNP, Phil Coast Guard na magsisilbing Disaster Response Units sa mga lugar na kakailanganin ang kanilang tulong.
Naka-preposition na rin ang mga family food packs na ipamamahagi sa mga kababayan nating nasa mga evacuation centers.
Paliwanag pa ni Timbal karamihan sa mga indibidwal na inilikas ay mula sa mga danger zones.