Advertisers

Advertisers

4 na patay kay ‘Rolly’ – Albay governor

0 291

Advertisers

APAT katao ang naitalang nasawi sa pananalasa ng bagyong Rolly sa Albay, ayon kay Governor Al Francis Bichara.

“Apat na. Sa ngayon, apat ‘yung accounted for. ‘Yung tatlo related sa ilog, nag-overflow, nawasak ‘yung dike at ‘yun ‘yung mga namatay,” ayon kay Bichara.

“‘Yung isa ‘yung nadaganan ng malaking punong-kahoy,” aniya.



Isa sa mga biktima ay isang limang taon gulang na bata.

“‘Yung batang ‘yun malamang inanod ‘yun… siguro isang pamilya habang ano nabitawan siguro, inanod ‘yung isang bata. ‘Yung isa naman, inanod ng lahar, at sa Polangui mayroon ding inanod sa ilog,” saad nito.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa ng clearing operation sa mga naging pinsala ni Rolly.

Kasama rito ang inspeksyon at assessment sa mga naging pinsala.

Nakataas parin sa Signal No. 4 ang lugar.