Advertisers

Advertisers

Covid update: 17,727 gumaling; 17 nasawi; 2,396 bagong kaso

0 529

Advertisers

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 2,396 na karagdagang kaso ng COVID-19 habang mayroon namang naitalang 17,727 na gumaling at 17 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.1% (27,115) ang aktibong kaso, 91.0% (348,760) na ang gumaling, at 1.89% (7,238) ang namatay.
Sa ngayon, ang aktibong kaso ay nasa 27,115 o 7.1% na lamang ayon sa Department of Health.
Mula naman sa 25,085 na nagpa-test sa Covid-19, ang datos ngayong Nobyembre 1 ayon sa report nitong Oktubre 31 ay 1,548.
Karamihan sa may naitalang mga kaso na probinsya at siyudad ay ang Davao City, 148; Quezon City, 146; Laguna,122; Cavite,112; at Benguet, 100.
Ang kalagayan naman ng mga aktibong kaso sa ngayon ay 81.6% ang mild, 9.9% ang asymptomatic, 5.4% ang critical at 3.1% ang severe. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)