Advertisers

Advertisers

Covid update: 606 gumaling; 36 nasawi; 1,803 bagong kaso

0 207

Advertisers

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang  1,803 kaso ng Covid-19 habang  606 ang gumaling at 36 ang namatay. ngayong Sabado, Oktubre 31.

Sa kabuuan umabot na sa  42,462 o 11.2 %  ang porsyento ng aktibong kaso, 331,046 o 87% naman ang mga nakarekober na sa sakit at  1.90% o kabuuang 7,221 na ang namamatay.



Nasa 380,729 naman ang kabuuang kumpirmadong kaso o mga tinamaan ng Covid-19 sa bansa batay sa case bulletin no.231 ng DOH.

Patuloy namang pinaalalahanan ng DOH ang lahat na sa pag-alala sa  mga mahal sa buhay  ngayong panahon ng UNdas, palaging  sundin ang ating mga minimum public  standards upang  mapanatiling ligtas ang lahat. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)