Advertisers
UMABOT na sa16 katao ang naitakang nasawi sa pananalasa ng bagyong Rolly sa Bicol region.
Ayon sa Office of the Civil Defense Region 5, sampu ang namatay sa Albay, habang 6 sa Catanduanes.
Tatlo katao naman ang naiulat na nawawala sa nasabing rehiyon.
Posibleng madagdagan pa ang nasabing bilang dahil hindi pa nagsusumite ang mga nasa probinsiya ng Masbate, Sorsogon, Camarines Sur at Camarines Norte.
Nasa 400,000 katao na ang inilikas kungsaan 345,044 ang nananatili sa evacuation centers.
Umabot naman sa 1,013 pasahero ang na-stranded sa mga pantalan sa Bicol region pero inaasahang makakapagbiyahe na ang mga ito dahil bumalik na ang operasyon ng mga sasakyang pandagat.(Mark Obleada)