Advertisers

Advertisers

300 bahay natabunan ng lahar at malalaking bato sa Albay

0 210

Advertisers

NATABUNAN ng lahar na may kasamang malalaking tipak ng bato ang halos 300 kabahayan sa Barangay San Francisco, Guinobatan, Albay sa pananalasa ng super typhoon Rolly nitong Linggo.
Sa mga larawang pinost ni ‘Ako Bicol’ Representative Zaldy Co, halos 2/3 ng bahay ang lubog sa putik at lahar mula sa Bulkang Mayon.
Ilan din sa mga kabahayan sa paanan ng bulkan sa Barangay Travesia ang lubog din sa lahar.
Samantala, 16 na ang nasawi sa bagyo, ayon sa huling ulat ng Office of Civil Defense Region V.(PFT team)