Advertisers

Advertisers

Boto mo, boto ko!

0 319

Advertisers

Nakakatuwa na may kampanya ang mga player ng NBA na bumoto ang mga Amerikano sa kanilang halalan ngayon.

Yung iba ay naisumite na ang kani-kanilang balota in advance sa pamamagitan ng koreo.

Ilan sa mga nag-post ng I Voted sa kanilang mga social media account ay sina LaMarcus Aldridge, Rudy Gay, Trae Young, Danny Green, Lou Williams, Collin Sexton at pati si Coach Steve Kerr



Grabe kasi ang go out and vote campaign ng liga. Mula sa jersey hanggang personal na apela ng mga basketbolista.

Si LeBron James nga may grupo pa ng mga black athlete na More Than A Vote. May 10,000 silang mga election volunteer.

Binuksan pa nila ang mga homecourt nila tulad ng Staples Center sa LA at United Center sa Chicago, Barclays Center sa Brooklyn, State Farm Arena sa Atlanta at FedEx Forum sa Memphis para gawing presinto ng botohan.

Noong eleksyon ng 2016 ay halos 60% porsyento lang ang mga botante. Tinataya nilang aakyat ito sa 70 – 80%.

Sa mismong mga kwalipikado sa loob ng NBA ay may 90% na rehistrado at inaasahan nila makiisa sa panawagan.



May mga nagsasabi naman na ito ay strategy upang hindi makabalik si Donald Trump para sa isa pang termino.

Batid naman natin na sina Coach Kerr, Finals MVP James at iba pang personalidad ay mga kritiko ng pangulo ng Estados Unidos.

Sana magkaroon din ng ganito sa PBA. Bagama’t nasa 80% na ng mga Pilipinong botante ang nagpunta sa mga polling place ay pwede pa naman tumaas ito at maging swing vote na tinatawag.

Ngunit ayon kay Ka Berong hindi ito mangyayari sa ating propesyunal na liga. Takot daw ang mga may-ari ng mga prangkisa kahit pa sabihing walang kinikilingan na kandidato. Kasi raw kung mas kokonti ang pupunta sa presinto ay mas pabor ito sa administrasyon. Karaniwan kasi ang mga independent voter ay ayaw sa nasa poder kaya kung hindi sila lalahok mananalo pa rin ang napili ng kasalukuyang gobyerno na may tinatawag na command vote.

***

Narito ang mga lider sa regular season ng 2019-2020 NBA. Sa scoring ay si James Harden ng Houston na may 34.3 na puntos kada laro. Rebound champ naman si Andre Drummond na may 15.2/game. Assist king si LeBron James na may 10.2 bawat laban.

Ang MVP na si Giannis Antetokounmpo ay pangalawa sa rebounding na may 13.6 na average at panglima sa scoring na may 29.5/game. Siya lang ang bukod tanging cager na nasa Top 5 ng 3 na pinakamahalagang kategorya.

Kaya marahil nagwaging Most Valuable Player sa season na ito. Dinaig niya ang mga karibal sa MVP race at nanguna pa sa 2 na aspeto ng game na sina Harden at James.

***

Balik laro ang PBA bukas sa Angeles University Foundation at apat na game agad para makabawi sa mga kanseladong laban.

May iba pang sched na 3 at 4 na game. Kailangan nila itong gawin upang manatili ang last day nila sa Disyembre.

Mabuti na negatibo silang lahat sa panibagong test sa COVID-19.