Advertisers
NAKAPAGTALA pa ng karagdagang bagong kaso ng Covid-19 ang Department of Health (DOH) na 2,298 habang 87 ang gumaling at 32 ang pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, pumalo na ito sa 385,400 kung saan ang aktibong kaso ay umabot na lamang sa 29,301.
Nasa 348,830 naman ang kabuuan ng mga nakarekober o katumbas ng 90.5% habang ang porsyento naman ng nasawi sa Covid-19 ay 1,89% o kabuuang 7,269.
Ang pinakamaraming naitalang bagong mga kaso ng sakit ay ang Benguet na may 188 na sinundan ng Davao City sa bilang na 166, Rizal na may 119, Quezon City na nakapagtala ng 116 kaso at 91 naman sa Bulacan.
Halos 92.1% naman ang mild at asymptomatic na kaso .
Inalis naman sa total case counts ang 11 duplicates. Ang 4 rito ay recovered cases at isang pumanaw.
Bukod dito, 13 kaso na nai-tag na recovered case ang nare-classified bilang deaths. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)