Advertisers
Pinakamasaklap sa buhay ninuman na ang pinag-ipunang pera o idineposito sa bangko para magamit sa darating na panahon ay biglang maglalaho na lamang o mistulang dinale ng kalamidad dahil sa nagkalat na SCAMMERS at ang banko na dapat pumoprotekta ay wala man lamang maitulong at sa halip ay pababayaran pa ang limpak-limpak na salaping inumit ng mga scammer.
Kaya, mga ka-ARYA.., dapat maging alerto sa inyong bank savings partikular ang mga CREDIT CARD HOLDER.., lalo ngayong panahon ng KALAMIDAD ay aktibo sa pagtiyempo ang mga HENYONG SCAMMER upang may mahulog sa patibong nilang ipinuwesto sa iba’t ibang SOCIAL MEDIA.
Tulad na lamang ng isa sa pamamaraan ng SCAMMERS ay ang mga post na “PINAKA SWERTE ANG NAKA ONLINE NGAYON DAHIL SYA ANG MAKAPAG COMMENT NG PINAKA MARAMING (W)MAG COMMENT KA NG PINAKA MARAMING((W)) PARA MAKITA KA AGAD NG AMING MODERATOR!
MAG MESSAGE KA SA AMING PAGE
PARA MA NOTIFIED KA..” o kaya ay gagamitin pa ang mga litanyang mapupunta ang proceeds sa mga biktima ng bagyo.., na kailangang maging maingat ang sinuman sa mga ganito dahil posiblebng ang kahihinatnan nito ay nahuthutan na kayo ng pera o ang laman ng inyong bank account ay nakaltasan na ng scammers.
Masaklap nito, kapag nagreport ang nabiktimang depositor sa bankong pinagdedepositohan ay irarason ng bank officers na kargo na ito ng depositors at hindi ng banko.
Nitong panahon ng PANDEMYA ay marami sa mga DEPOSITOR lalo na ang CREDIT CARD HOLDERS ang nadale ng mga SCAMMER.., na isa na rito ang kamag-anak ng aking asawa na papangalanan ko na lamang na “LILY” ay mahigit P200,000 ang natangay ng SCAMMER mula sa kaniyang CREDIT CARD.
Mula nitong June ay hindi raw ginamit ni LILY ang kaniyang CREDIT CARD at pagsapit ng June 17 ay natanggap nito ang kaniyang STATEMENT ACCOUNT, na kaniyang ikinadiskubre na mula June 11 ay may mga transaksiyon na ang kaniyang account.., nagagamit na ng ibang tao. Ang CASH mula sa CREDIT CARD ay naipapa-CASH OUT sa PAYMAYA.. na agad tinawagan ni LILY ang kaniyang banko. Ipinakita ng banko ang mga naging transaksiyon sa pagkakagamit ng credit card na halos lahat ay pina-encash sa PAYMAYA at ang ilan naman ay ginamit sa online LAZADA.
Masaklap, ang perang nagamit mula sa credit card ay kargo at kailangang bayaran ni LILY na ang kumausap na sa kaniya thru fone ay ang LEGAL OFFICER ng bangko.. dahil responsibilidad daw ng card holder na ingatan ang sariling account.
Dapat mapag-ukulan ito ng CENTRAL BANK na higpitan ang mga bangko para sa paglalaan ng seguridad sa kanilang mga depositor. May record ang bangko ng transaksiyon, kaya dapat ay agad na kumilos ang staff ng bangko na puntahan ang lugar na pinag-encash ng pera at rebisahin ang kopya ng CCTV FOOTAGE.., dahil ang lahat ng establisimiyento ay required na mayroong mga nakalagay na CCTV sa paligid.., pero hindi ginawa ng bangko at sa halip ay sinabihan si LILY ng bangko na bayaran nito ang perang nagamit mula sa kaniyang credit card.
Hindi kaya inside job na ito at talagang sistema na ng bangko na takutin ang depositor na kapag hindi binayaran e idedemanda ang mga ito? Hindi kinakitaan dito ng concern ang banko at sa halip ay ang pansarili nilang makasingil o makuhanan ng pera ang depositor!
Kaya mga ka-ARYA.., dapat maging wais sa mga ganitong sitwasyon.., kung na-hack ang inyong account at nagamit ng scammer e kailangang igiit ninyo ang inyong paninindigan.
Ika nga, kung sa akin mangyari ang ganito ay paninindigan ko na hindi ko babayaran ang perang natangay sa credit card account ko.., dahil, ang unang dapat magbigay ng proteksiyon sa mga depositor ay ang mga bangko. Lahat ng transaksiyon ay pawang sa mga establisimiyento na mayroong mga CCTV CAMERA na pangunahing requirement ng mga negosyante o mga establisimiyento. Ang mga staff ng bangko ang dapat na kumuha ng mga kopya ng cctv footage para makita kung sino ang umumit ng pera at huwag itong ipatrabaho sa depositor!
Hindi lamang sa CREDIT CARD HOLDER nangyayari ito kundi maging sa mga bank depositor na mayroong ATM CARD ay nadadale ng mga hacker.., na dapat, kung mapatunayang dinale ng hacker ay kargo at dapat na palitan ng bangko ang nawalang pera sa account ng depositor.., dahil pananagutan dapat ng bangko ang seguridad ng kanilang mga depositor.
PAGING ANTI-CYBER CRIME UNITS ng PHILIPPINE NATIONAL POLICE at ng NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION.., sa dami na po ng mga depositor na nadadale ng SCAMMERS at hindi man lamang inaksiyunan ng bangko dahil ididis-honor ang reklamo o report ng depositor, e hindi kaya inside job na ito o “tricks” ng mga bangko para mangamkam sila ng pera ng kanilang depositors? Hindi kaya ang sinasabing SCAMMER o nagcash-out ng pera e kontak ng taga-banko? Laliman po natin ang pagkalkal sa mga ganitong sistema at baka nga inside job dahil hindi man lang tuntunin ng bangko ang kopya ng mga cctv footage para dapat makita o makilala ang mga gumamit sa account ng depositor.
Sa ngayon ay nakalabas na ng bansa ang bagyong ROLLY pero may paparating na namang bagyo.., na ang mga ganitong kalamidad ang tinitiyempuhan ng mga SCAMMER para makapambiktima gamit ang SOCIAL MEDIA at asahang sa mga susunod na araw ay iba’t ibang estratehiya ang lilitaw sa mga facebook na kunwa ay para sa pagtulong sa mga nasalanta…, na kung hindi ka mapag-isip ay madadale ka ng mga henyo sa larangan ng computer!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.