Advertisers

Advertisers

Makapal na putik iniwan ni ‘Rolly’ sa Batangas

0 223

Advertisers

MAKAPAL na putik ang tumambad sa mga residente ng Tierra Pura Subdivision sa Barangay Pallocan West, Batangas City nitong Lunes ng umaga.
Ito ay matapos silang magbalikan sa mga bahay matapos humupa ang flashflood na naranasan nitong Linggo.
Ayon sa mga residente, may mga lugar na lagpas tao ang lalim ng baha.
Karamihan sa mga lumikas ay nagtungo sa mga kamag-anak, evacuation centers, habang ang merong 2nd floor na bahay ay umakyat na lamang doon.
Ang electronics appliances ay hindi na mapakinabangan matapos malubog sa baha at putik.
Ayon sa mga residente, pahirapan sila sa paglilinis. Kaya humihingi sila ng tulong sa pamahalaan upang magpadala ng mga truck ng bumbero na mag-aalis ng putik na pumasok sa kanilang mga bahay.
Ito ang ikalawang beses na binaha ang nasabing lugar. Una noong 2000.
May katabi kasi na creek ang subdivision na nagdudugtong sa ilog ng Calumpang na tumaas ang tubig sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo.(PFT team)