Advertisers

Advertisers

Michelle suko na sa pagsali sa beauty pageant; Ria hinahanting ang basher na nagbanta dahil kay JM

0 247

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

SUMUKO  na rin sa  wakas si  Michelle Gumabao  sa  pagsali  sa beauty pageant  at  ang huling  pagsabak  niya  sa  contest ay ang 2020 Miss Universe Philippines  na siya ang naging 2nd  runner-up. Ito ang kanyang  kinumpirma  nang  magpa-interview  sa media.

Ang  naging  dahilan ni Michelle  kung bakit hindi na siya  muling lalahok  sa mga beauty contest ay ang age requirement  ng international  pageant  organization  na dapat  ang mga magiging representative ay kailangan  18  to 27 years  old  o  kaya  ay 28 years old  bago magsimula ang  international  competition.



Ayon pa kay Michelle ay bibigyan na niya ng attention ang kanyang  negosyo  at  bagong career. Hindi rin  malayong  pasukin ni Michelle ang pag-aartista dahil ang kanyang ama ay isa ring artista na si Dennis Roldan at maging ang kapatid na si Marco Gumabao.

“This  is  the beginning  of  an  even  brighter   journey  because I have  different  businesses that  I  would  like  to  bring into the Philippines  and  now I have  the time to be able  to do so. I have  also another  career that  I am  eyeing  for,” pahayag ni Michelle.

Sa  tamang araw  pa raw  niya  babanggitin  ang  kanyang  mga plano.

“Now  is  not  the  perfect  time  to  share  about  that  but  in  God`s  time,  I`ll  reveal  everything,” patuloy pa ni Michelle.

***



SA  Twitter  ay  nanawagan  si  Ria Atayde  na tulungan  siyang hanapin ang  basher na pinagbantaan at pinagsabihan  siya  nang  masasama.

Kahit siguro  binura  ng basher ang  pagbabanta  nito  sa  actress  ay na-save  at  na-screenshot ni  Ria ang ginawa  o ipinadalang  messages  sa kanya  ng  may  Twitter  handle  na  “sandrachuikang4181.”

“Please  help  me  find the  person  who  owns  this  account. No one  should   ever   wish  someone   death. This  isn’t   something  I will take  lightly.”

Ayaw  o  galit  ang basher  na inili-link  si  Ria  kay JM  de Guzman  na mistulang  pinagseselosan nito ang dalaga.

“Kala  mo  kagandang  babe  mukha  naman  lola.  Mahiya  ka  sa sarili  mo dahil  ang  pangit  mo  higad  ka  higad.  Maligo  ka  ng  suka  ng  mawala  yan  kati  mo  sa katawan  kung  gusto mong magpadilig mahanap  ka  ng  katulad  mo,”  bahagi ng hate  message kay Ria.

Sagot  naman ni Ria sa mga  nagpaabot  ng  concern  sa kanya  ng, “Uy  guys.  Keri  lang  ako  emotionally  hahahaha. Di  lang  kasi  tama yung  ganun.  May hangganan  din dapat  ang pambabash.  Bata pa ako  at  28.  Ayoko  pa  mamayat   pls.  Don’t  wish  that  upon  me. Pero salamat  sa pagmamahal  at  pag-reassure.  I  appreciate  it.”