Advertisers

Advertisers

‘Nasaan ang Pangulo’ vs ‘Nasaan si Robredo’

0 264

Advertisers

TAMPOK ngayon sa social media ang mga tanong: “Nasaan ang Pangulo?” at ang “Nasaan si Robredo?”

Nagsimulang kumalat sa Facebook at Tweeter ang mga katanungang ito habang naghahanda ang lahat sa pagdating ng sina-sabing pinakamalakas na bagyo sa buong mundo, signal number 5, na nakasentro sa Bicol region.

Lalong uminit ang “#Nasaan ang Pangulo” nang hindi nagpa-kita o nagsalita manlang kahit sa “zoom” sa “high-level” cabinet meeting that Sunday morning si Pangulong Rody Duterte.



Depensa ni Presidential Spokesman Harry Roque, nasa Davao City lang ang Pangulo at mino-monitor ang bagyong Rolly.

Kumpleto naman sa gadgets ang Office of the President at may personal cellfone naman tiyak si Pangulong Duterte na magagamit niya para magsalita, manawagan sa mamamayan na ma-ging alerto sa paghampas ng napakalakas na bagyo. Pero nijo-nija walang mukha o boses ng Pangulo na narinig ang sambayang Pinoy.

Sabi ng mga DDS (Diehard Duterte Supporters), “Pag lumabas o magsalita ba si Pangulong Duterte ay may magagawa para matigil ang pananalasa ni Rolly?”.

Op kors wala! Imposible na mapigil ni Duterte o kung sinumang lider ng bansa ang pananalasa ng bagyo. Ewan ko lang si Pastor Quiboloy kung mapapa-“stop typhoon” niya si Rolly. Hehehe…

Pero mga pare’t mare… ang paghahanap ng mamamayan sa Pangulo ay hindi DEMAND ng imposible para mapahinto niya ang bagyo. Ito’y pagtatanong kung nasaan ang pinakamataas na opisyal ng gobyerno habang hinahampas ang bansa ng pinakamalakas na bagyo ng taon.



Sa panahon ng krisis, mga pare’t mare, ang presensiya ay sign ng LEADERSHIP. Ang ABSENCE ay sign ng pang-iiwan. Mismo!

Sa banat naman ng DDS na “#Nasaan si Robredo” ay nilampaso lamang sila ng mga kritiko ng administrasyon.

Sabi ni netizen Carol Belarmino: “Bago nyo hanapin si VP Leni Robredo, si Duterte muna ang hanapin nyo dahil siya ang Presidente”. Di na sumagot ang DDS. Hehehe…

Oo nga naman. Bagama’t si Robredo ay taga-Bicol, eh si Duterte ang Presidente. Presidente siya ng Pilipinas, hindi lamang ng Mindanao o ng kanyang Davao City. Ang bawat salita ni Duterte ay batas, sinusunod ng mga opisyal at pinaniniwalaan ng mamamayan.

Pag nawala o natigok si Duterte, saka palang magkakaroon ng kapangyarihan ang hinahamak ng DDS na “Leni Lugaw”.

Pero habang buhay si Duterte, si Robredo ay “spare tire” lamang, wala siyang gamit. Magagamit lang si Robredo kung flat na si Duterte. Gets nyo, mga pare’t mare?

Surely, si Robredo ay kakasa nang presidente sa 2022. Ewan ko lang kung sino ang ilalaban sa kanya ng bababa nang Duterte.

Abangan!

***

Sa paghupa ng super bagyong Rolly na winasiwas ang Bicol, nakita ang naglalakihang tipak ng bato at putik na tumabon sa isang barangay sa Guinubatan, Albay.

Ang malalaking itim na bato ay inanod ng rumagasang baha mula sa kabundukan. Wala na kasing mga puno sa bundok, naubos na ng illegal loggers, kaya wala nang humaharang sa paggulong ng mga bato kasama ang putik.

Sa sunod, dahil wala nang mga puno at malalaking bato na makakapitan ang lupa, baka bundok na ang gumuho dala ng baha. Hindi natin ito hinihingi pero posible itong mangyari dahil sa patuloy na paglambot ng lupa sa mga kalbong kabundukan na sobrang ginahasa ng mga sakim na opisyal ng bayan. Mismo!

***

Binabati ko ang aking mga giliw na mambabasa sa Facebook Page at website na Policefilestonite.net. Higit 6 million na ang nare-reach ng ating kolum. Mabuhay!